___________________________________________________
Mga bagay na dapat isaalang-alang habang kayo ay naka add sa ating FB group at Google Classroom
1. Bawal mag screen shot ng mga comments, pictures o video na maaaring makasama sa imahe ng iba.
2.Sundin ang PROTOCOL sa paggamit ng Social Media. Alamin ang mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya. Laging tandaan na ang ginagamit na account ay nakapangalan sa mag-aaral.
3. Ugaliing magbasa ng mga announcements at huwag makipag-away kung hindi kayo nasabihan. Ito po ay virtual learning at maging responsable po ang lahat para sa ikakabuti ng ating mga anak. Nawa'y lahat ay magtulungan para sa bata.
4. Malaki po ang tungkuling gagampanan ng guro sa online class subalit kailangan din po namin ng tulong mula sa mga magulang o mga tagapangalaga ng bata, kung may trabaho po kayo sa oras ng pag-aaral ng bata, nawa'y may isang mas nakakatandang magbabantay po sa kanya para magawa niya ang mga takdang gawain.
PAGGAMIT NG FACEBOOK GROUP
Gumawa ng Facebook account na para lamang sa mag-aaral. Ito ay gagamitin para lamang sa online class, huwag gamitin ang account ng magulang para meron din silang privacy.
Maglagay ng maayos na Profile picture ng bata upang makabesado ng Guro at kaklase ang mga mukha nila habang nag-oonline class.
__________________________________________________________________________
PAGGAMIT NG GOOGLE MEETING
PAANO GAMITIN ANG GOOGLE CLASSROOM AT PAANO MAG-JOIN GAMIT ANG GSUITE ACCOUNT?
______________________________________________________________________
*maari ninyong panoorin ang mga Tutorial Videos sa Youtube Channel ni Teacher's A upang makita nag sunod-sunod na panuto.
GOOGLE CLASSROOM gamit ang Manila Learning Tablet.
CLICK HERE >>> https://youtu.be/jumyfbnIt8A
Modular Distance Learning Tutorial
CLICK HERE >>>https://youtu.be/Rcksm3ekxa8
________________________________________________________________________
REMINDER:
Paano ang Pag fill-up ng forms online?
DELA CRUZ, JUAN SAN PEDRO ̷ JUAN SP. DELA CRUZ X
___________________________________________________________________________