Followers

Tuesday, 1 September 2020

PARENTS' ORIENTATION 2020 GRADE ONE

  

___________________________________________________

Mga bagay na dapat isaalang-alang habang kayo ay naka add sa ating FB group at Google Classroom

 

1. Bawal mag screen shot ng mga comments, pictures o video na maaaring makasama sa imahe ng iba.

 


2.Sundin ang PROTOCOL sa paggamit ng Social Media. Alamin ang mga Alituntunin sa Responsableng Paggamit ng Teknolohiya. Laging tandaan na ang ginagamit na account ay nakapangalan sa mag-aaral. 

 


3. Ugaliing magbasa ng mga announcements at huwag makipag-away kung hindi kayo nasabihan. Ito po ay virtual learning at maging responsable po ang lahat para sa ikakabuti ng ating mga anak. Nawa'y lahat ay magtulungan para sa bata.

 


4. Malaki po ang tungkuling gagampanan ng guro sa online class subalit kailangan din po namin ng tulong mula sa mga magulang o mga tagapangalaga ng bata, kung may trabaho po kayo sa oras ng pag-aaral ng bata, nawa'y may isang mas nakakatandang magbabantay po sa kanya para magawa niya ang mga takdang gawain.

 



PAGGAMIT NG FACEBOOK GROUP

Gumawa ng Facebook account na para lamang sa mag-aaral.  Ito ay gagamitin para lamang  sa  online class, huwag gamitin ang account ng magulang para meron din silang privacy.

Maglagay ng maayos na Profile picture ng bata upang makabesado ng Guro at kaklase ang mga mukha nila habang nag-oonline class.

 

 


 

 __________________________________________________________________________


PAGGAMIT NG GOOGLE MEETING

          
      Gamit ang Gsuite account na ibibigay ng Guro, siguraduhing ila-log-in muna ito sa Gmail para kapag nag bigay ng Google link ang guro, makakapag join kaagad ang mag-aaral gamit na ang kanyang Gsuite Account. 
    Tandaan, HINDI DAPAT pinapalitan ang setting ng Gsuite account. ito ay naka linya sa Kagawaran ng Edukasyon, kayat kung maaari ay HUWAG na huwag ninyong iibahin ang Username at ang Password. Kung may katanungan o problema sa ibinigay na account, ipag-bigay alam kaagad sa guro. Hintayin ang panuto ng guro.




 

____________________________________________________

PAANO GAMITIN ANG GOOGLE CLASSROOM AT PAANO MAG-JOIN GAMIT ANG GSUITE ACCOUNT?

      

        1.Siguraduhing naka log-in sa Gmail ang inyong GSUITE ACCOUNT.
        2. Kung ikaw ay may Manila Learning Tablet, ito ay Automatic na naka install sa tablet.
        3. Kung ikaw ay gagamit naman ng ibang gadget, pumunta lamang sa Playstore at
            -itype lamang ang Google Classroom. i-click ang Install 
        4. Pagkatapos ma-install ang Google classroom, mag log in gamit ang ibinigay na Gsuite account ng Guro. I-click ang JOIN CLASS at ilagay o i-typeung halim ang CLASS CODE Na ibinigay ng guro.. 
        5. Kung halimbawang ang Guro na mismo ang nag Add sa inyo sa Google Classroom, hanapin lamang sa Gmail messages niyo ang INVITATION ng GUro. Buksan ang mensahe at iclik lamang ang Join o "Accecpt Invitation.
4   
4




             ______________________________________________________________________



     *maari ninyong panoorin ang mga Tutorial Videos sa Youtube Channel ni Teacher's A upang makita nag sunod-sunod na panuto.


GOOGLE CLASSROOM gamit ang Manila Learning Tablet.

CLICK HERE >>> https://youtu.be/jumyfbnIt8A


Modular Distance Learning Tutorial

CLICK HERE >>>https://youtu.be/Rcksm3ekxa8


 ________________________________________________________________________

 ___________________________________________________________________________

 

 

 REMINDER:

Paano ang Pag fill-up ng forms online?

      DELA CRUZ, JUAN SAN PEDRO    ̷                     JUAN SP. DELA CRUZ  X

 

 ___________________________________________________________________________

 







No comments:

Post a Comment

PARENTS' ORIENTATION 2020 GRADE ONE

   ___________________________________________________ Mga bagay na dapat isaalang-alang habang kayo ay naka add sa ating FB group at Google...